Mali ata’ng tinuro ng mapa
‘Di na malaman aking gagawin
Tila ako’y naliligaw na rin
Hindi ba kailangang may baliktarin
Ayokong sisihin ang aking sarili
‘Di naman ako nagmamadali
Mahirapan man ako’y tatanggapin
Pinasasalamatan ko pa rin
Lahat ng ito’y may balik sa huli
‘Di bale nang minsan ay magkanda leche-leche
Mamaya magluluto ‘ko ng eskabeche
Sasamahan ko pa ng nag-yeyelong pilsen
‘Di na malaman aking gagawin
Tila ako’y naliligaw na rin
Hindi ba kailangang may baliktarin
Ayokong sisihin ang aking sarili
‘Di naman ako nagmamadali
Mahirapan man ako’y tatanggapin
Pinasasalamatan ko pa rin
Bawat hakbang ay may halaga
Kala mo lang na palayo ka
sa tinakda mong destino na
ngayon ay ‘di mo na matanaw
‘Di man ngayon d’un dinadala
Alam kong doon din ‘to papunta
WRITERS
Luigi Del Rosario, Joshua Daniel Nase, John Paulo Nase, Joshua Caleb Vidam