Ikaw ang siyang naging dahilan kung bakit nagkagan'to
Lumitaw lumitaw ang pinakamagandang bersiyong ako
Naranasan ang lahat na 'di pa nararanasan
Sa tagal ng panahon ngayon lang naliwanagan
Na mahal mahal mahal kita
Ngunit mayro'n pa akong katanungan
At kung ika'y para sa 'kin
'Wag naman sana akong bigyan ng mahirap na laban
Kaya aking tahanan sana ako'y pagbigyan
Tatahakin ano pa ang balakid na nakaharang
Panalangin sa ama ika'y mayakap at mahagkan
Oh ma mahiwaga sa 'kin nang ika'y ipakilala
Dalangin ay dalangin ay unti unting binibigay sa akin ni bathala
Patuloy na nagtataka kung ba't sa 'kin napunta
Itong dalagang katumbas ng isang lambana
Oh mahal (mahal na mahal) mahal kita't
Nasagot na ang aking katanungan
Na kung ika'y para sa 'kin
'Wag naman sana akong bigyan ng mahirap na laban
Kaya aking tahanan sana ako'y pagbigyan
Tatahakin ano pa ang balakid na nakaharang
Panalangin sa ama ika'y mayakap at mahagkan
Kung bibigyan ng tatlong kahilingan ang isang tulad ko
Tatlong beses kitang hihilingin
Makasama kita oh aking sinta
At kung ika'y para sa 'kin
'Wag naman sana akong bigyan ng mahirap na laban
Na kung ika'y para sa 'kin
'Wag naman sana akong bigyan ng mahirap na laban
Kaya aking tahanan sana ako'y pagbigyan
Tatahakin ano pa ang balakid na nakaharang
Panalangin sa ama ika'y mayakap at mahagkan
La la la la la la la la la la
La la la la la la la la la la
La la la la la la la la la la
La la la la la la la la la la
La la la la la la la la la la
La la la la la la la la la la
La la la la la la la la la la