Ikaw na dilag na sa akin ay bumihag
At higit pa sa sapat mas higit ka pa sa lahat
Aking mahal ikaw ang aking pinagdarasal sa maykapal
Haharanahin kita kahit san man mapunta aking sinta
Oh kay ganda ng 'yong mga mata
Haharanahin kita sa ilalim ng mga tala
Oh sinta ikaw lang wala nang iba
Bakit ako ang 'yong napili
Bakit ako ang 'yong minahal
Sa dinami rami ng nakapilang iba dyan
Sana ikaw na hanggang sa huli
Haharanahin kita kahit san man mapunta aking sinta
Oh kay ganda ng 'yong mga mata
Haharanahin kita sa ilalim ng mga tala
Oh sinta ikaw lang wala nang iba
Hinaharana kita sa ilalim ng mga tala aking sinta
Hinding hindi ako magsasawa
Hinaharana kita sa ilalim ng mga tala oh sinta
Hinding hindi na hahanap ng iba