Sa'n nga ba tayo nag-umpisa
Lahat ng bagay ay nahahanapan ng mali
Sigurado talagang panalo ka sa huli
Sumasakit ang ulo sa kapipiga ng damdamin
Pero 'wag na 'wag kang magdadalawang-isip
Lahat ito'y isang masamang panaginip
Parang bagyo ito ay lilipas din
At lalabas na ang mga bituin
Ang layo pa ng patutunguhan
Mabundok man o ilog daraanan
Bastat ika'y kasama walang iwanan
Sige lang tiis lang lalabanan natin 'to
Anumang haharapin tatagain sa bato
Sige lang tiis lang lalabanan natin 'to
Hindi ba kayang magkaunawaan
Alam ko ako'y 'yong pinapasan
Pero sana ay dinggin mo rin naman ako minsan
'Pag ako'y nagtataka magagalit ka agad
Sabay sa pag-unawa dadamayin ang lahat
Nakakawalang-gana bakit 'lagi na lang ganito
Pero 'wag na 'wag kang magdadalawang-isip
Lahat ito'y isang masamang panaginip
Parang bagyo ito ay lilipas din
At lalabas na ang mga bituin
Ang layo pa ng patutunguhan
Mabundok man o ilog daraanan
Bastat ika'y kasama walang iwanan
Sige lang tiis lang lalabanan natin 'to
Anumang haharapin tatagain sa bato
Sige lang tiis lang lalabanan natin 'to
Sige lang tiis lang lalabanan natin 'to
Anumang haharapin tatagain sa bato
Sige lang tiis lang lalabanan natin 'to