LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Sa Kabilang Bintana

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Minamasdan kang palihim
Sa puwang ng hangin
Umaasang lilingon sa akin

Sinasayaw ng kulimlim
Ang kurtina sa dilim
Kaganapang makabagdamdamin

Bagamat magkatapat
Mga labi ko'y magkalapat
'Wag ihahayag o magtatapat?

Ooh sa kabilang bintana
Tanaw ang 'yong hiwaga
D'yan sa kabilang bintana
Ooh sa kabilang bintana
Dungawin mo, binata
Dito sa dakong kabila, kabilang bintana

Sa kabila
Kabila
Kabilang bintana

Ilang araw, ilang gabi
Ilang taong pagkabighani
'Di mabati kahit man lang kaunti

Bagamat magkatapat
Mga labi ko'y magkalapat
'Wag ihahayag o magtatapat?

Ooh sa kabilang bintana
Tanaw ang 'yong hiwaga
D'yan sa kabilang bintana
Ooh sa kabilang bintana
Dungawin mo, binata
Dito sa dakong kabila, kabilang bintana

Sa kabila
Kabila
Kabilang bintana

Damdamin ko'y nakabig
Sa tanaw ng 'yong sinapit
Nagpakuha ka sa lubid
Sa lungkot mong 'di ko nabatid

Ooh sa kabilang bintana
Naligtas ka na sana

Ooh sa kabilang bintana
Tanaw ang 'yong hiwaga
D'yan sa kabilang bintana
Ooh sa kabilang bintana
Dinungaw mo na sana
Dito sa dakong kabila, kabilang bintana

Sa kabila
Kabila
Kabilang bintana

Sa kabilang bintana

Sa kabila
Kabila
Sa Kabilang bintana

WRITERS

Paul Ortiz

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other