Ilang araw nang may gumugulo
Sa isipan ko tila panibughong
Hindi mawaksi sa damdamin pati
Puno ng walang katiyakan at sisi
Ang siyang may ari ng aking pagtingin
Kahit aminin ko sa'yo ang laman ng puso
Hindi mo mapapansin dahil hindi naman tayo
O teka lang sandali bigla ka nalang
Dahil ba loob nati'y napapalapit nang papalapit
Pilit nang pilit pa sa imposible
Di ko alam kung ano'ng nangyari
Hindi tayo halos nagkakausap
Naglaho na ang dating araw-araw na
Kamusta ka sana ay okay ka
Ang tumatakbo sa isip sana ay miss ka rin niya
Ngunit sa huli ay ikaw pa rin
Ang nagmamay-ari ng aking pagtingin
Kahit aminin man sa'yo ang laman ng puso
Isasabale-wala dahil hindi naman tayo
O teka lang sandali bigla ka nalang
Dahil ba loob nati'y napapalapit nang papalapit
Pilit nang pilit pa sa imposible
Di ko alam kung ano'ng nangyari
Bigla ka nalang naglahong saglit
Iniwasan mo nga ako ng makailang araw linggo't buwan ang nakalipas
Kailangan nang bitawan ka kasama sa anod ng alon
Anim na buwan ng panghihinayang
Sa mga panahong nasayang lang sa iyo
Pilit nang pilit pa sa imposible (Wag nang ipilit)
Di ko alam kung anong nangyari (Hindi ko alam)