LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Pag Wala Ka

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Oh, oh, oh, yeah-yeah
Hmm, ha-ah-ha-ah-ha
Jnske, what do you want?

Halos talikuran natin ang buong mundo
Tumakbo palayo parang batang naglalaro
'Di pwedeng maagaw ng kahit sino man
Ikaw at ako laban sa lahat, yeah

Hindi kita pababayaan, alam mo 'yan
Kahit sa'n ikaw ay sasamahan
Magalit man sila sa 'tin, walang pakialam
Mundo na mapaglaro, sabay nating iwanan

Kahit andaming sinasabi
'Wag kang maniwala, inggit lang sila sa atin
Ano'ng alam nila kung ano'ng mayro'n sa 'kin?
Ikaw at ako ang bumuo ng istorya natin

Kaya 'wag ka nang mag-iisip pa
Andito lang palagi, hindi ka ipagpapalit
Kahit maraming gustong makisali sa atin

Yakapin mo ako nang mahigpit
Habang ang ating mga mata'y nakapikit
Iwanan muna natin ang pait at ang sakit
At labi nating dalawa ay kusang magdikit

Sa ilalim ng buwan, kalimutan lason ng nakaraan
Ikaw ang medisina ko at ang pangpagaan
Sa t'wing ako ay mayro'ng nararamdaman
Kapag wala ka, malungkot ang buhos ng ulan

Yeah-yeah-yeah, malungkot ang buhos ng ulan
Kapag wala ka, malungkot ang buhos ng ulan, hey

Gusto lang lagi kang kasama
Ayaw nang 'di ka nakikita
Grabe ang pagkabagot
Nilalabanan ang sariling lungkot

Ikaw ang dahilan kung bakit ba
Hanggang ngayon laging dala-dala
Sa isip ko ay sariwa pa
Kung pa'no tayo nagsimula

Alam mo naman ang kailangan ko
Kahit na 'di ko na sabihin 'to
Dahil kapag ako'y nag-iisa
Isa lang naman ang laging gusto ko

Yakapin mo ako nang mahigpit
Habang ang ating mga mata'y nakapikit
Iwanan muna natin ang pait at ang sakit
At labi nating dalawa ay kusang magdikit

Sa ilalim ng buwan, kalimutan lason ng nakaraan
Ikaw ang medisina ko at ang pangpagaan
Sa t'wing ako ay mayro'ng nararamdaman
Kapag wala ka, malungkot ang buhos ng ulan

Kapag wala ka yeah-yeah-yeah
Malungkot ang buhos ng ulan (malungkot ang buhos ng ulan)
Kapag wala ka, malungkot ang buhos ng ulan, hey
Kapag wala ka, oh-oh-oh, (yeah) hey
Kapag wala ka, malungkot ang buhos ng ulan

WRITERS

JAN QUINTANA, KEVIN PETER MORANTTE

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other