Wala kong oras makipag laro, pero sige kasi may bano
Oops teka di pala to talo, pero la'kong pake kase gg na to
Alam kong gusto mong maging ako, pero dimo kaya kasi iba to
Anak pambihira habang ika'y mahina kasi tira sa pila ang ina mo
Sakin dika uubra,kaya malabo ka na makakubra
Sigurado ngayon na may tutumba, kaya malamang sakin may gulong ka
Anong pakiramdam na ang husga mo sa akin ay naging mali ka
Para sakin mani ka kalakasan mo'y aking pinaka mahina
Bakit sa dinamirami ng nakasakay ay di parin nila ako makaya na mapababa
Sa halip ay lalo lang akong lumalakas pataas habang sila dumodoble yung kaba
Sige ikumpara! iba kase ako kung kumilatis alam kung dapat mag pakumbaba
Yung iba kasi nakatitig pagkaharap pagtalikod kumurap nung nakita kong nadapa
Ugh! baka taga pasig to! lugar' na pinamumugaran ng mga totoong halimaw
Sa dilim sumusugat sumusulat ng tula handa ng maliwanagan at makasilaw
Mapa track o sa live ay subok na kahit di malalim to lunod ka
Kahit na magcolabo malabo ka gago kain ka sakin yan ang malinaw
O ngayon mo timbangin bigat ko! kabilang kana ngayon saking mga nilaro
Malabo mong magawang masilat to! tumba ka sakin pare pero di sa ganto
Sa studio palageng babad to! kaya wag mong iisiping magaan bro
Hustle ko'y babad lagi sa kanto ikaw di ginagamit kaya binangko!
Di kana mag iimprove sa rap noy
Habang ako dito pasarap boy
Yun ang mga dinyo matanggap hoy
Sapaw kase kaya gusto akong ita-boy
Ako yung minsan mo na sinabihan sa tropa ng bobo
Ngayon ay di mo kinaya na mas halimaw pala'ko na bilang solo
Wala ng personalan hangad nyo peso nga lang
Gusto mo ng respeto pero ikaw di magawang gumalang
Proseso gumagana kaya imbis ako kayo ang bumaba na
Bago pako masiraan ng bait at ang maging resulta neto'y lumala pa
Kaya wag ka ng magtaka ba't gang ngayon nandito pa
Yung pinagmulan mo sa gitna nung mga panahon na sino ka
Kinikilusan ng sabay ibabaw at ilalim
Hindi titigil hanggang milyones ay tuluyang mapa samin
Kung inaakala mong wala na ako'y nagpahinga lang abala sa pag gawa ng pera
Minsan ay nawawalan ng gana pero meron pa palang bala may ipuputok pa pala sa gera
Di porket nagagawa mo na yung kaya ko makakasabay kana aba teka
Ako'y mananatiling gutom ng lion at kapag dika lumingon ay lalapain kita repa
Sipag tapang nila 'kong hilain pero tamad duwag nila kong tirahin
Mga feeling na boss yung dapat alilain kunin nyo inyo kukunin ko yung sakin
Kung di moko makuha subukan mong hagilapin ng magkaalaman na kung sino satin papalarin
Aminin mong istilo ko minsan mong kinain ngayon sabihin mo kung dika nabusog saking hinain
Bakit ika'y nagtatampo tapos pag kasama tropa ang tapang mo
Ano bang nakain ng mga batang to mabait ako pero wala ho! galang to
Kaya wag moko subukan bro! basag ang muka mo pag pinagpilitan mo
Kung wala kang pambayad wag kang umutang kung di kaya ng buo hulog hulugan mo
Sakin mani mani nalang angking galing halang ikaw palamuti kalang
Madali ang maging hangal pero maging aral pile iba muntikan lang
Kapag hindi ka kilala o walang bilang sa eksena ibang tingin sayong nilalang
Kapag kilala ang pangalan ay sinosuportahan agad pinupuri kahit bobo linya nyan