LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

lamig pt. 2

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Parang may mali mahal
Nanlalamig kana mahal
Hindi ko na rin makapa
Kung ayos ka pa ba
Madalas kanang lumalabas
Di masabi kung bakit
Nakakapagtaka kase
Di ka naman ganyan dati
Ginagawa mo yung sayo
Ginagawa ko akin
Ganyan tayo magkunwari
Parang walang nangyari
Habang tumatagal
Lalo lang lumalala
Mga ganap mo di ko na alam
Na parang di na kita kilala
Yung kanya kanya nating bisyo
Ginawang takbuhan
Para punuan yung atensyon
Nating nagkulang
Di ako naguumpisa
Ng pwede na pagtatalunan
Tinatanong ko lang
Kung ano ang patutunguhan
Kung yung katotohanan
Lagi nating pagtataguan
Nanlalamig na nga
Yung dati sating nagbabaga
Binihsan ng pekeng ngiti
Yung mga kalungkutan
Nananaginip ng gising
Kailan matatauhan
Iba-ibang problema
Iisa lang solusyon
Usukan o iwasan
O maghanap ng rasong
Ipagpalibang pagusapan
Muna ang lahat ngayon
Nananatili nalang ba kase
Takot tayong mag desisyon
Ayusin o tapusin
Hawakan o bitawan
Hayaang mabulok
O kakalusin yung kalawang
Kung pati ikaw ay tingin sakin kalaban
Yung tayo pano ko nalang kaya ipaglalaban

Ayaw mo na ba na sagipin kita?
Lumamig na yung hangin
Sumabay pa yung satin
Malayo kahit malapit ka sakin
Ayaw mo na ba na sagipin kita?
Lumamig na yung hangin
Sumasabay pa yung satin
Malayo kahit malapit ka sakin

Bawat sandalling mga mali sati'y naaalala
Sabi mo naman mali lang ang aking akala
Pero kung ayos lang tayo at lahat ay gumagana
Bakit yung pakiramdam ay parang malala na
Di ko kailangan ng isa pa na pangako
Ng isa pa na pag-asang luminaw pa yung malabo
Kahit masakit sabihin mo kase yung totoo
Ano ba talagang tumatakbo sa isip mo
At mas napapatawa ka na ng mga kaibigan mo
Nagagawa mo na lahat kahit wala ako
Alam ko ang nangyayari di mo kailangan magtago
Ang nakakatakot lang hindi na ako nagtatampo
Naamoy ko pa rin laman mo sa'ting higaan
Kabisado ko lahat sayo kahit di ko hulaan
Alam ko pa rin ano yung paborito mong kape
Kaso di ka mapagtimpla kase wala ka sa tabi
Iniiwan mo pa rin yung gamit mo sa kwarto ko
Yung hoodie mong itim nakasabit pa sa pinto
Nakakatuwa lang kase gaya pa rin ng dati
Nakakaluha lang kase di na tulad ng dati
Alas tres na ng umaga nakaupo sa may bintana
Mata'y namamaga kakahipak ng marijuana
Wala nang magawa kundi tingnan tayo habang
Sa isat isa'y dahan dahan na nagpapaalam

Ayaw mo na ba na sagipin kita?
Lumamig na yung hangin
Sumabay pa yung satin
Malayo kahit malapit ka sakin
Ayaw mo na ba na sagipin kita?
Lumamig na yung hangin
Sumasabay pa yung satin
Malayo kahit malapit ka sakin

WRITERS

Farhann Abuhanifah

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other