‘Di pa masabi ang laman ng damdamin
Ikaw ang rason dahilan nito kung bakit
Nagawa muli ang pusong paganahin
Ang magkunwari hindi ko ‘yan gawain
Kasi ‘di ako manhid tulad ng nabanggit
Mong mga nanakit sa ’yong lalaki dyan
Kung pwede lang maangkin ka ng ‘di lang saglit
Sana iyong mabatid ‘di ka papalitan
‘Di na mauulit nangyari nung sa huli
Kung tatratuhin ka ‘di dapat palihim
At paikutin para makatikim
Handa kang kunin kahit ‘di mo hilingin
Isa lang naman ang gusto kong iparating
Kung anong nakaraan hindi na babalik
Umaasa na ako'y iyong tatanggapin
Kaya ngayon ika'y tatapatin
Ang tunay kong nararamdaman
Sa ‘yo na ‘di mo ‘ko sasaktan
‘Di ko magagawang sayangin
Kung iingatan ang damdamin
Sana ikaw na ang para sa ’kin
Ikaw lang para sa ’kin baby
Nakakapagod na ring maranasan
Masaktan ayoko lang panghinaan
Na umibig ‘di malaman kung darating
Pa ba sa akin o anong gagawin
Kapag puso namili ‘di matahimik
Utak pagka’t ‘di na gustong ulitin
Nangyari nung huling nasugatan
Mula nang dumating ka nag-iba ang usapan
Gan’to pala katamis madama
Halong hirap kapain ang halaga
Kaya sabihin mo na ng harapan
Ang tunay kong nararamdaman
Sa ‘yo na ‘di mo ‘ko sasaktan
‘Di ko magagawang sayangin
Kung iingatan ang damdamin
Sana ikaw na ang para sa ’kin
Ikaw lang para sa ’kin baby
Hayaan mo ’kong ikaw ay mahalin
Handa naman ako kahit sa’n man tayo dalhin
Tiwala ka lang sa mga kayang gawin
Wala na rin akong plano pa na patagalin
Ang pakawalan ka’y malabong mangyari
Sasamahan kita hanggang sa huli
Sana ikaw na ang para sa ’kin
Sana ikaw na ang para sa’kin
Ikaw lang ang para sa ’kin