LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Bawat Sandali

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Yeah yeah yeah yeah
'Lam kong gusto mo sumama kahit na mali
Gusto mo na maranasan ang bawat sandali

Sorry na kung dati puro titig lang ako
Sino ba kasing hindi mapapatulala sa'yo
'Di makakibo pa-pasensya na po
Kung ang tagal bago bago lumapit sa'yo

Pero nung tayo ay nag-usap
Parang nakahilata sa ulap
Tapos ako nabubulol kada salita
Para bang merong topak

'Tas ikaw nakangiti buong byahe
Grabe ba ganda mo ay ibang klase
P'wede na bang sabihin na ika'y akin lang
Baby sumama ka lang

'Lam kong gusto mo sumama kahit na mali
Gusto mo na maranasan ang bawat sandali
Gusto mo na magmahal pero 'di na madali
Hindi ko pipilitin pero sana'y pansinin
Alam kong gusto mo

'Di na mapigilan ang damdamin na ito
Basta ba kasama kahit saan mo pa gusto
Kasabay mo na bumyahe magiging alalay mo
Nasanay na rin ako na kapag wala siya

Ako yung binabalikan mo kapag wala na
Walang-wala ka na kapag binabalewala na sisisihin ang sarili
'Tas ano pariwara na kapag sawa na sa 'kin bigla mong maalala
Mga bagay na tapos 'di pa ba paos

Sinasalo pa rin yung tama mo kahit kapos
Hihinga pa lang ako pero wala kang pause
Handa ko pagpaliban ginawa mo sa 'kin no'n
You're may favorite enemy
This love has been quite misery (a misery yeah)

'Lam mong gusto mong sumama kahit na mali
Gusto mo na maranasan ang bawat sandali
Gusto mo na magmahal pero 'di na madali
Hindi ko pipilitin pero sana'y pansinin
Alam kong gusto mo

Dito ka lang 'wag ka nang umalis ('wag ka nang umalis)
Kasama mo pa rin sa paggising
'Lam kong masakit kahit sa panaginip (kahit panaginip)

Pa'no ba mahihinto (pa'no ba)
Pagluha mo sa kung pinto (tama na)
Ano ba talaga ang 'yong gusto (ano ba)
Lagi na lang bang ganito (pa'no na)

'Di mo sinabi mga sugat sa labi
Lagi na lang ganyan (lagi na lang ganyan)
Tahimik palagi
Kung ano ang nangyari
Bakit ba pinagtatakpan (pinagtatakpan)

Alam mong 'di mo kasalanan 'yan
Pag-ibig ay sakim pero 'di sasaktan ('di sasaktan)
Alam kong gusto mo na 'kong lambingin
Pero laging masakit

'Lam mong gusto mong sumama kahit na mali
Gusto mo na maranasan ang bawat sandali
Gusto mo na magmahal pero 'di na madali
Hindi ko pipilitin pero sana'y pansinin

Alam kong gusto mong sumama kahit na masakit
Gusto mo na maranasan ang bawat sandali
Gusto mo nang magmahal pero 'di na madali
Hindi ka pipilitin pero sana'y pansinin
Alam kong gusto mo
Alam kong gusto mo (oh)
Alam kong (he he yeah)
Hindi ka pipilitin pero sana'y pansinin (alam kong gusto mo)

WRITERS

Joshua Takeshi Sta Juana, Raj Ainza

PUBLISHERS

Lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC, Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other