Matagal-tagal na tayong nakakulong sa bahay
Excited nang makalabas mapawi ang lumbay
Ngunit kailangang mag-ingat pa rin sa 'ting paglalakbay
Salubungin natin ang Paskong sabay-sabay
Mga bata't matatanda'y biglang nabuhayan
Mga ngiti'y makikita kahit may mask pa yan
Kayat ngayon pa lang araw ay ating paghandaan
Ipagdiwang natin Pasko'y mararamdaman
Ipagdasal natin sa araw ng Pasko
Kaligtasan nating lahat ipanalangin niyo
Ating pasalamatan Panginoon
Bagong taon bagong sigla sa buong mundo