Teleseryeng nasa unang kabanata
Kapit-bahay nainlab sa kababata
Dramarama samantala ang nadarama
Patintero ng damdamin ang hinala
Pero di naman makuha ang tiwala
Ang hiwaga ng nilaga ang dinidikta... t'yaga
Di na matatago ang pintig
Bilin ng damdamin ang hiling iparating
Sana pakinggan ang pakiusap ko sa'yo
Sana pagbigyan ang pakiusap kong ito
Abangan na lang ang susunod na kwento
Malay natin at baka lang makatyempo
Magmilagro ng espasyo d'yan sa puso mo
Aantay na lang ako na makabwelo
Dahan-dahan kahit di na makapreno
May pag-asa pa kaya na sabayan mo ko
Na magkapareho... ang pintig
Bilin ng damdamin ang hiling iparating
Sana pakinggan ang pakiusap ko sa'yo
Sana pagbigyan ang pakiusap kong ito
Sana pakinggan ang pakiusap ko sa'yo
Sana pagbigyan ang pakiusap kong ito