Pinagsisisihang sumama pa sa'yo
Ilang beses ko na bang pinagsabihan ang sariling 'wag nang magpapauto?
At ang ngiti mong 'di ko mabalewala
Ilang beses ko na bang pinagsabihan ang sariling wala lang akong mapapala
Sa mga oras na ako'y iyong niyayaya
Naiinis ako dahil hindi ko kayang tanggihan
Alam namang hindi magtatagal, ikaw ay may iba namang kasama
Tinatanong-tanong pa ang sarili
"Ba't mo ako biglang naisip?"
'Di naman lahat may dahilan
Sadyang wala ka lang talagang ibang mapagtripan
Sa isip ko ang mukha mong 'di ko matiis?
Ilang beses na ba akong naiwan sa ere dahil sa mga akalang lagi namang mali?
Pwede bang 'wag ka nalang magsalita
Kung puro kasinungalingan lang pala
Mga matatamis mong pangungusap
Ilang beses ka na bang nangako at 'di mo tinupad?
At itong mga lakad nating walang patutunguhan
Nasasaktan ako dahil hindi ko kayang tanggihan
Alam namang hindi magtatagal, ikaw ay may iba namang kasama
Tinatanong-tanong pa ang sarili
"Ba't mo ako biglang naisip?"
'Di naman lahat may dahilan
Sadyang wala ka lang talagang ibang mapagtripan
Napapatitig sa mga mata mo
Naniniwalang may namumuo sa'ting mga puso
Ngunit 'di ko napagtanto, ako lang pala ang may gusto
Lahat naman ay pansamantala
Mamaya'y iba naman ang iyong kasama
Hinahanapan ng sagot ang 'di naman tinatanong
Ilang ulit na ba akong nahulog at 'di mo sinalo?
Mahal mo ba ako o lahat ng ito ay isang laro?
Ako'y napaibig sa binigay mong pag-asang hindi naman totoo