Mata ay malabo kaya't 'di sigurado
Pag-ibig mong alay dapat ba ko'ng masanay
Sana 'di huminto pinadarama mo
Pagkat 'yokong magbago kung anong meron tayo
Wala 'kong paki sa sinasabi nila
Na tayo'y 'di tatagal at naglolokohan
Ang mahalaga ay ikaw at ako
Dahil para sa'yo ay isusugal to
Ay wag nang mag alinlangan
Kahit hindi mo ko kapiling
Ako ang kawal mong alipin
Ay wag nang mag alinlangan
Papano ba bumalik sa mga sandalling
Makikilala ko pa ang dating ako
Isang katanungan kung maghihilom ba to
Nagtiwala lang naman at naniwala
Pero bakit ganto sugat kong natamo
Sino pang minahal at inasahang tatagal
Siya pang 'di natakot maglaro
Ako'y handa na para magumpisa
Dami ng lihim na inyong inilihim
Buti nalang ako'y humihinga pa
Kasinungalingan na 'yong iniwan
Bakit ako ang nagdurusa walang magawa
Kundi ang kayanin ang mga bagay
Na alam kong maayos din kahit na nawala
Hanggang sa dumating ang katulad mo
Kung bubuksan ko ulit ang pinto
Ang tanggapin mo ko'y salamat
Pero kung sasaktan mo'y 'di bale nalang
Pahalagahan mo sana ang pusong
Minsan nadurog, napagod at nailang
Ay wag nang mag alinlangan
Alisin mo na lahat ng agam-agam mo
Sana 'di huminto pinadarama mo
Pagkat 'yokong magbago kung anong meron tayo
Pahalagahan mo sana ang pusong
Minsan nadurog, napagod at nailang