Pwede ba na huwag na muna dahil di pa kaya
Pag-usap muna natin maupo ka muna
Huwag mo muna kung lisanin paki usap sinta
Panaginip ba ito di makapaniwala
Ikaw lang ang laging masusunod
Handang sa iyong harapa'y lumuhod
Huwag mo lamang akong iwanan
Kung pwede lang ang mga oras ay maibalik
Tanging sa'yo lamang lagi na mananabik
Kailangan ko ang mga yakap mo't mga halik
Di ko kayang ako lang mag isa
Pwede bang wag muna ko'ng iwanan
Dahil hindi ko pa kaya kung lilisan
Handang punan ang pagkukulang akin ng pinag sisihan
Pwede ba na wag na muna ( wag na muna )
Pwede ba na wag na muna ( wag na muna )
Pwede ba na wag na muna ( pwede ba? )
Dahil hindi ko pa to kaya
Di ko kaya na ako lamang isa
Di ko kaya na ikaw ang mauna
Pwede ba ko humiling kahit isa
Magpalit na lamang tayong dalawa
Ikaw ang aking rason bakit patuloy sa buhay
Ako ang naging rason bakit ka nag agaw buhay
Katangahan pinairal bakit di ka hinayaan
Lumayon panandalian dahil sa'king kasalanan
Ngayon ay dakot na palad ang muka
Iniisip ka maliang nagawa
Kung di sana sumakay sa emosyon ay di naakit ng tukso
Dahilan kung ba't nangyari ang hindi inaasahan
Iniwasan ang banggaan niyapos ng kamalasan
Ikaw lang ang napuruhan ako ang may kamalayan
Gagawin ay di malaman to na ba ang kasagutan
Pano pa ko sayo hihingi ng tawad
Kung di mo na dinig ang aking mga pagsusumamo
Kahit buong buhay na dikit ang palad
Di na makakasamang tuparin ang mga pangako
Wala na ang sumpaang magsasama habang buhay
Tuluyan mo ng iniwan na una ka na sa hukay
Di na madarama pagmamahal mo saking tunay
Mundo ko'y pinadilim wala ng ilaw kong patnubay
Pwede bang wag muna ko'ng iwanan
Dahil hindi ko pa kaya kung lilisan
Handang punan ang pagkukulang akin ng pinag sisihan
Pwede ba na wag na muna ( wag na muna )
Pwede ba na wag na muna ( wag na muna )
Pwede ba na wag na muna ( pwede ba? )
Dahil hindi ko pa to kaya
Pwede bang wag muna ko'ng iwanan
Dahil hindi ko pa kaya kung lilisan
Handang punan ang pagkukulang akin ng pinag sisihan
Pwede ba na wag na muna ( wag na muna )
Pwede ba na wag na muna ( wag na muna )
Pwede ba na wag na muna ( pwede ba? )
Dahil hindi ko pa to kaya