Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing 'di ko na kaya
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masusumpungan
Malalaman mong kahit kalian
'Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
'Di kita bibitawan sa paglalakbay
Ang mundo'y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema ay tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masusumpungan
Malalaman mong kahit kailan
'Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
'Di kita bibitawan sa paglalakbay
'Wag mong sabihin nag-iisa ka
Laging isipin may makakasama
Narito ako oh narito ako (narito ako)
'Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
'Di kita bibitawan sa paglalakbay
Hawak kamay hawak kamay hawak kamay (hawak kamay hawak kamay hawak kamay)