Isang gabing 'di malimutan, pangakong habang buhay na pag—ibig at walang iwanan
Oh, hindi ko inasahang may sagot sa dasal
At darating pala ang araw na sa akin ka
'Wag kang mag—alala, 'di ako mawawala, hindi tulad ng iba
Ano mang sabihin nila, 'di bahala sila
Ang mahalaga, ikaw, ako, tayo, at pusong pinag—isa
Hindi ako gangsta, baby, 'di ako thug
Malambing na stunna, I'm just tryna show you some love
Araw araw na trato ko sa'yo ay tila prinsesa
Baby, you a puzzle at ako kulang na piyesa
You my esmi, my bebi, kahit anong gusto itawag
Oh, mahal kita, ano naman kung 'di ka maniwala?
Yung ngiti mo, sa'king isip at puso, bumabakas
Ipagdadamot kita at araw—araw ipagyayabang, uh
Oh, ang ating ibigan, ang sarap pagmasdan
Masaya 'ko sa piling mo, bebi, kung alam mo lang
'Pag kasama kita, ang gaan sa pakiramdam
'Di ko maiwasang titigan nang 'di mo alam
Oh, walang kaduda duda, alam kong ako lang
At pinapagako ko sa'yong ikaw lang mahal
Oh, nahanap ko na ang lakas, sa wakas
At yakap mo aking amat, ayo'ko nang kumalas
Mahal kita palagi, wala akong masabi
Sa ganda mong sarap titigan kahit umagahin
Kita ko ang 'yong kilig, kitang kita sa ngiti
Tanggal ang angas ko sa tuwing ikaw ang katabi
Magkasamang kukuhain hunnid Gs, magkasama ring kakain
Magkasamang iiyak at magkasama ring pawiin
Magkasama sa lahat, hindi lang 'pag puro ngiti
Magkasamang tatandang punong puno ng pag—ibig
Pakisabi kela tita, 'di na kailangang isipin
Wala akong masamang intensyon sa'yo, bebi, I mean it
Pag—ibig ko sa'yo, hindi ko kailangang ipilit
Naramdaman kong kusa, at sa'yo ngayon, addicted
Oh, hindi ako papayag na tayo'y paglayuin
Kung tadhana rin magsabi, buo kong kakalabanin
Ganun ako kasigurado sa'yo, pati sa atin
Hindi ako aalis, bebi, pahingi ng kiss
Oh, ang ating ibigan, ang sarap pagmasdan
Masaya 'ko sa piling mo, bebi, kung alam mo lang
'Pag kasama kita, ang gaan sa pakiramdam
'Di ko maiwasang titigan nang 'di mo alam
Oh, walang kaduda duda, alam kong ako lang
At pinapagako ko sa'yong ikaw lang mahal
Oh, nahanap ko na ang lakas, sa wakas
At yakap mo aking amat, ayo'ko nang kumalas