Sanay kang mapag—isa, at yan na rin kinalakihan
Pero 'di ibig sabihin n'yan, hindi mo'ko kailangan
Oh, espasyo ang hanap mo pag masyadong magulo
Pag masyadong makalat, galawan laging pa—urong
Baby, kailangan mo'ko diyan, laging maiintindihan
Pagtapos mong umiyak, ika'y pakikinggan
Puso mong iniingatan wag mo na sa'kin itago
Dama kong bantay—sarado, 'di kita ginagago
Senyales mong hiningi, dumating ay 'di mo hanap
Biglang 'di makangiti, tila di rin makatawa
Kinumbida kang isiping sakit ang abot mo bukas
Nandito 'ko para siguruhing 'di ka mabubutas
Ng iyong palaisipan, hindi tao katapat
'Di mo rin ako kalaban, kahit sa'n mo'ko kasama
Ang pasanin mo yang mag—isa, hindi ako papayag
'Di ako antagonista sa ganap mong palabas
'Di ka minamanduhan, 'wag mo'kong bitawan
'Di 'to tungkol sa'kin, sa'yo mismo 'to nakatapat
Para sa'yo nakasulat, sa'yo ko rin 'to sinukat
Barumbado ang tadhana, 'wag mo nang pagdudahan
At alam kong napakahirap magtiwala sa labas
Dama ko na rin yan kaya mga sinasabi ko pakinggan
Hindi ako aatras, hindi ka malalaglag
Kasama mo'ko sa lahat kahit sabihin mo pang—
Sanay kang mapag—isa, at yan na rin kinalakihan
Pero 'di ibig sabihin n'yan, hindi mo'ko kailangan
Oh, espasyo ang hanap mo pag masyadong magulo
Pag masyadong makalat, galawan laging pa—urong
Baby, kailangan mo'ko diyan, laging maiintindihan
Pagtapos mong umiyak, ika'y pakikinggan
Puso mong iniingatan wag mo na sa'kin itago
Dama kong bantay—sarado, 'di kita ginagago
Senyales mong hiningi, dumating ay 'di mo hanap
Biglang 'di makangiti, tila di rin makatawa
Kinumbida kang isiping sakit ang abot mo bukas
Nandito 'ko para siguruhing 'di ka mabubutas
Alisin lahat ng duda, 'di ka na muling luluha
At kung sakali man, dahil ligaya mo sobra sobra
'Di ka na muling maiipit sa 'di mo alam
Nasa iyong mata ang amat ko, kung alam mo lang