LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

nahihiya, umaatras

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Nahihiya, umaatras

Gusto kita, hindi ko maparating
Ano mang gusto mangyari, akin nang gaganapin
Puro usok laman ng silid kong madilim
Kita anino mo kahit wala ka sa'king tabi

Hindi ko malaman ang dapat kong gawin
Gusto ko sa'kin ka lang, 'pero hindi ko masabi
Baby, 'wag ka mabahala, 'di ako nagmamadali
Pero sana dama mo damdaming nasasabik

Sinubukang idaan sa tagay, baka may kaibahan
Lalong umaatras at nakasanayan kong mag—isa
Tila parang naiilang 'pag nasa malapitan
Kahit pasimple kang tignan, hindi ko rin magawa

Dahil ba alam kong pag—ibig mo ay medyo mailap?
Pero handa 'kong sumugal, hindi kita tatakbuhan
Kaya baby, pakibuksan ang puso mong puro lock
Nabubura pagkapilyo pag ikaw ang kasabikan

Gusto kita, hindi ko maparating
Ano mang gusto mangyari, akin nang gaganapin
Puro usok laman ng silid kong madilim
Kita anino mo kahit wala ka sa'king tabi

Pa'no ko ba 'to gaganapin? Sabihin mo kung saan dadalhin
Handa namang makinig, pangakong hindi ako mapapraning
Kakatanong sa isipan kung merong ibang nakaposte
Tang—ina, 'wag naman, beh
Pero hindi ko 'tatago damdamin ko, baka gusto mo 'rin na damhin
Kung sakaling ika'y sasaglit, baka gusto mong manatili na rin
Pakipot kong pagtingin, baka gusto mong ibalik sa akin
Kaso hindi ka naman sa'kin, kaya gusto kitang angkinin
Pero pa'no ko sasabihing gusto kita para sa'kin

Gusto kita, hindi ko maparating
Ano mang gusto mangyari, akin nang gaganapin
Puro usok laman ng silid kong madilim
Kita anino mo kahit wala ka sa'king tabi

Hindi ko malaman ang dapat kong gawin
Gusto ko sa'kin ka lang, 'pero hindi ko masabi
Baby, 'wag ka mabahala, 'di ako nagmamadali
Pero sana dama mo damdaming nasasabik

Nahihiya, umaatras, hindi ko mailabas
Salitang gustong mabigkas pero 'di mahanapan
Ng tyempong sakto sa oras, hindi yung sapilitan
Sana wala kang iba diyan, at sana ako na lang"
184

WRITERS

Vince Ruther Constancio

PUBLISHERS

Lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC, Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other