LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Travis

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Nalilito natutukso tumungo sa liwanag ng araw
Umuurong sumusulong iiwan ang gintong umaapaw
Nasisilaw sa mga ilaw naririndi sa samot-saring hiyaw
Umiigpaw dumudungaw sa lugar kung saan ka ninakaw

'Wag mong pigilian ang iyong paghinga
'Di rin tiyak kung saan ka ba papunta
Sa piling niya ikaw ay mahalaga
Sa dako niya ika'y magpapahinga

Nalilito natutukso tumungo sa liwanag ng araw
Umuurong sumusulong iiwan ang gintong umaapaw
Nasisilaw sa mga ilaw naririndi sa samot-saring hiyaw
Umiigpaw dumudungaw sa lugar kung saan ka ninakaw

Isang araw ika'y dumilat
Nakita mo isang luntiang 'di kalayuan
Gayon iyon ang ninanais
Kaya pala ika'y humahantong sa pagkainis

Hinawakan ka ng ginang at ika'y pinipigilan
Walang duda sa iyong isip na siya ay tikman
Hubaran palitan ang mukhang kinalakhan
Manhid na kamay hiwalay sa katawan

Balisong ramdam sa iyong likod ika'y malayo sa puntod
Sumisigaw sumasayaw bakit sayo'y lumuluhod
Taliwas na ang gampanin ng diwa at isip
Iyong hinihiling na ito ay panaginip

Nalilito natutukso tumungo sa liwanag ng araw
Umuurong sumusulong iiwan ang gintong umaapaw
Nasisilaw sa mga ilaw naririndi sa samot-saring hiyaw
Umiigpaw dumudungaw sa lugar kung saan ka ninakaw

'Wag mong pigilian ang iyong paghinga
'Di rin tiyak kung saan ka ba papunta
Sa piling niya ikaw ay may halaga
Sa dako niya ika'y magpapahinga

Nalilito natutukso tumungo sa liwanag ng araw
Umuurong sumusulong iiwan ang gintong umaapaw
Nasisilaw sa mga ilaw naririndi sa samot-saring hiyaw
Umiigpaw dumudungaw sa lugar kung saan ka ninakaw

Nalilito natutukso tumungo sa liwanag ng araw
Umuurong sumusulong iiwan ang gintong umaapaw
Nasisilaw sa mga ilaw naririndi sa samot-saring hiyaw
Umiigpaw dumudungaw sa lugar kung saan ka ninakaw

WRITERS

Yeoj Rivera, Samuel Engreso Mopal

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other