Pinasaya at nilibot habang pina ikot-ikot
Aburido sa dami ng kulay na higit pa sa kayang i-proseso ng aking mga mata
May regalo doon, masasakyan dito, wala na bang direksyon, oh boy halika dito
Pag ika'y nasa perya, siguradong di ka maduduga
Pare-pareho kaya tayong naka tali sa tadhana?
Pinasaya at nilibot habang pinaikot-ikot
Umasa ka ba na masaya nga sa lugar na ito?
Sumugal kala mo ika'y panalo
Sa daming pag uulit puro ka na pala talo
Para bang may ilusyon na kontrolado natin masasabe satin ng naka paligid satin
Parang naka kondisyon lahat ng nasa perya na mga panalo at talo'y tatanggapin
May nanalo doon, nadadapa dito, merong walang direksyon, ano ba naman to?
Lahat ng nasa perya, mata ay naka silip sa iba
Pare-pareho nalang tayong nagpa ihip sa tadhana
Pinasaya at nilibot habang pinaikot-ikot
Umasa ka ba na masaya nga sa mundo na ito
Sumugal kala mo ika'y panalo
Sa daming pag uulit puro ka na pala talo
At nagikot habang lumilibot-libot
Kasama pag-aaral, trabaho at iyong pag irog
Sumugal kala mo ika'y panalo
Sa daming pag susulit sana ikaw ay manalo
Pinasaya at nilibot habang pinaikot-ikot
Umasa ka ba na masaya nga sa mundo na ito
Sumugal kala mo ika'y panalo
Sa daming pag-uulit puro ka na pala talo
At nagikot habang lumilibot-libot
Kasama pag aaral, trabaho at iyong pag irog
Sumugal kala mo ika'y panalo
Sa daming pag susulit puro ka na pala talo