Buti na lang 'di nainip sa tagal ng panahong naghintay
May tamang pag-ibig na sa'kin ibinigay
Alam kong darating ka, ngayon, dumating na
Buti na lang 'di nainip sa tagal ng panahon
Salamat sa tadhana, nakasama ka ngayon
Alam kong tinakda, 'di lang basta nagkataon
Kaya salamat sa panginoon kasi dumating ka
Buti na lang ay dumating ka
Sugat sa damdamin, gumaling na
Sa tagal ng panahong 'di nainip
Na ang hiling balang araw ay makamit, yeah
Salamat narinig ang panalangin ko
Sa buhay, nang magkaro'n ng isang katulad mo
Kaya 'di na sasayangin ang pagkakataon na binigay
Na makasama ka habambuhay
Mula 'nung ika'y napasa akin
Pinangako sa langit, 'la ng hahanapin pa
Dahil 'di na 'ko matutukso
Nasa'yo na lahat ang gusto
Pa'no maghahanap ng tulad mo
Kung nag-iisa ka lang sa mundong ito
Ikaw ang medisina, yeah, yeah
Pag nawala ka ay baka lang manghina
Kaya pwedeng dito ka lang sa tabi
Hanggang pagtanda natin, bi
Yayakapin ka ng mahigpit hanggang huli
Alam kong darating ka rin
Dininig na ata ng bituin ang hiling
(Ikaw ang hiniling ko sa bituin)
Ang tanging panalangin noon
Pinagkaloob sa'kin ngayon
Buti na lang 'di nainip sa tagal ng panahong naghintay
May tamang pag-ibig na sa'kin ibinigay
Alam kong darating ka, ngayon, dumating na
Buti na lang 'di nainip sa tagal ng panahon
Salamat sa tadhana, nakasama ka ngayon
Alam kong tinakda, 'di lang basta nagkataon
Kaya salamat sa panginoon kasi dumating ka
Nagalak at nagising sa panaginip na hiling ko kay bathala
Nawala 'yung isiping pagkabahala
Tinangay na sa tuwing ika'y kasama
Hatid mo'y pag-asa nung nagkakilala
Nilunod ng pagtitiwala, damdaming uhaw na lumaya sa paghihinala
Kaya salamat binigay ka sa'kin
Asahan mong 'di ko sasayangin
Panahong pinahinog upang basagin pani'walang ""sa una lang masaya at sa huli mawawala din""
Dami ng nagbago magmula nung dumating
Sa dakong madilim ay nagawa mong alisin
Mga pangit na kahapong 'di na balak tanawin
Lahat ng mga pangarap sabay nating abutin at tuparin
Yung tamang taong matagal ng hiniling sa
Panginoon, nang dahil ako'y sinagip niya
Sa gitna ng ulan kung sa'n ang puso tila malamig na
Nang dahil sa nakaraang pag-ibig, mga sugat ng kahapon, nawala na at tuluyang gumaling na
At salamat sa'yo dahil binigyan mo ng liwanag ang daanan para aking mahalin ka
Alam kong darating ka rin, bituin na
Salamat ika'y dumating at dininig niya
Panalangin makasama habambuhay at pangako ko sa'yo, hinding hindi ko sasayangin pagkat
Binigyan sigla at kulay mo, aking puso sa'yo ko lang iaalay 'to
Ang pag-ibig na walang makakabali, 'di-di 'di ko hahayaan mawala ka pa sa buhay ko
Kala ko talaga noon, wala na, 'di na liligaya
Kaya 'di na umaasang may dumating na biyaya
Buti na lang ay naniwala na
May tamang tao pala para sa'kin at
Ikaw 'yon, 'la ng hahanapin pa
Ang araw na 'yon, alam kong tinadhana
Tayong dalawa, alam kong tinakda na
Buti na lang 'di nainip sa tagal ng panahong naghintay
May tamang pag-ibig na sa'kin ibinigay
Alam kong darating ka, ngayon, dumating na
Buti na lang 'di nainip sa tagal ng panahon
(Sa tagal ng panahon, sa tagal ng panahon)
Salamat sa tadhana, nakasama ka ngayon
Alam kong tinakda, 'di lang basta nagkataon
Kaya salamat sa panginoon kasi dumating ka