Nakita mo na ba sarili mo sa salamin
Ikaw yung tipo na gusto kong mapasakin
At kung makuha ka'y wala na kong mahihiling
Habang buhay kitang aalagaan at mamahalin
At 'wag na 'wag mong maliitin ang sarili mo
Di mo ba alam marami kaming nababaliw sa'yo
Hindi mo kailangan ng kolorete sa iyong mukha
Wala na rin namang epekto yan kase
Ikaw na nga ang pinakamaganda
Paboritong pagmasdan ng aking mga mata
Sa tuwing tinitignan kita ako'y natutulala
Mga problema ko ay panandaliang nawawala
Ikaw na nga ang pinakamaganda
At paborito ko pagkat iba ka sa kanila
Tuwing pinagmamasdan kita ay nakikita ko na
Panghabuhay kong kasama sa lungkot at ligaya
Sandale may sasabihin lang ako
Alam mo bang sa'yo lang ako nagkaganito
Natutong magpakatino kahit di mo tinuruan
Daming nakapaligid ngunit ikaw ang natipuhan
Tandaan na mahalin mo muna ang sarili mo
Pag nagawa mo na'y ibigin mo na rin ako
Hindi naman sa minamadali kita
Handa naman ako na maghintay sa'yo kase mahal kita
At alam mo bang ikaw lang talaga ang nais kong makasama
Panghabangbuhay na ligaya
Makita kang mapunta sa iba
Naku po hindi ko na makakaya
Kaya pagbigyan mo na sana
Gusto ko lang iparamdam sa'yo na
Ikaw na nga ang pinakamaganda
At paboritong pagmasdan ang aking mga mata
Sa tuwing tinitignan kita ako'y natutulala
Mga problema ko ay panandaliang nawawala
Ikaw na nga ang pinakamaganda
At paborito ko pagkat iba ka sa kanila
Tuwing pinagmamasdan kita ay nakikita ko na
Panghabuhay kong kasama sa lungkot at ligaya