LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Pagsamo

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Kung bibitaw nang mahinahon ako ba’y
Lulubayan ng ating
Mga kahapon na ‘di na kayang
Ayusin ng lambing
Mga pangako ba’y sapat na
Upang muli tayong ipagtagpo ng hinaharap

Ba’t pa ipapaalala ‘di rin naman panghahawakan
Ba’t pa ipipilit kung ‘di naman tayo ang
Para sa isa’t-isa
‘Di ba sinta tayong dalawa lang noon
Para sa isa’t-isa oh
Ba’t ‘di sumang-ayon sa ’tin ang panahon

Siguro nga’y wala nang natira
Sa mga sinulat mo na para sa ‘kin
Alam kong luha ang bumubura
Ngunit hayaan mo na lang
Walang saysay ang panalangin ko
Kung ‘di ako ang hahanapin mo
Kahit sigaw pa ang pagsamo ko sa ’yo
Bakit ‘di mo dama ‘to

Ba’t pa ipapaalala ‘di rin naman panghahawakan
Ba’t pa ipipilit ‘di rin naman tayo ang
Para sa isa’t-isa
‘Di ba sinta tayong dalawa lang noon
Para sa isa’t-isa oh
Ba’t ‘di sumang-ayon sa ’tin ang panahon

Para sa isa’t-isa
‘Di ba sinta tayong dalawa lang noon
Para sa isa’t-isa oh
Ba’t ‘di sumang-ayon sa ’tin ang panahon

WRITERS

Arthur Nery

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other