Kapag nga naman ang puso ay nasasaktan
Nagsusumigaw"ako'y iyong pakawalan"
Isang buyong lagi kong nilalabanan
Ito na ngta ang aking kahinaan
Bumubulag-bulag sa aking paningin
Tumutulak-tulak sa'n ba ako dadalhin?
O hangin, wag mong liparin ang aking isip
Dahil lang nasasaktan ang dibdib
Dalangin ko'y makaya kong unawain
May mga tanong na oras ang sumasagot
Kaya kong maghintay kahit sa'n umabot
Kaya hindi ako aalis, handa ako na mag-tiis
'Yan ang lagi kong sambit
O hangin, wag mong liparin ang aking isip
Dahil lang nasasaktan ang dibdib
Dalangin ko'y makaya kong unawain
O hangin, wag mong liparin ang aking isip
Dahil lang nasasaktan ang dibdib
Dalangin ko'y makaya kong patawarin