Tapos sila'y kusang maaakit
'Di ka rin masyadong mangangawit
Pag ka may katulong lumagari
Basta tama 'yung kain na mapasubo mo
Dadami ang kapit na sasalubong (oh)
Mga tao na hangin, na tutulong kuhain
Itutulak kang langit, ikaw ang usok (oh)
Mga taong kaya kang basahin
Mga taong 'di ka babasagin
Mga tao na para sa akin (akin)
Nagdadagdag-patag nang lalakaran mo
Nagaambag-lapad nang aapakan mo
Nagaabot-palad na hahawakan mo
Hanggang kalat-kalat na ang pangalan mo
Kaya ika'y nakalista sa'kin (sa'kin)
Kung sino ang nasa isip 'yun ang laging balikan
Oh tuwing nakakalimot ay muli mo lang tignan
Kung sinong dulot ay ngisi 'yun ay 'wag mong palitan
Alam mo 'yan, oh, alam mo naman
Pwesto saking puso, mayron kang pinto
Papasok kung nasa'n ang mga impok ko na ginto
Isa kang nagdulot-ngisi kaya 'di papalitan
Alam mo 'yan, oh, alam mo naman
(Oh oh) pag nakuha ang kahon
Ng kamot sa panahon na taglubog (kamay)
Kapag lagi 'kong tulog ay taga gising ka
Pinapa-alalahanan pag walang gigil (ha)
Bumabatok sa akin pag tumitigil
Ako na mangikil kung ano ang akin
Maya't-maya ikaw ay nakasilip
Kapag tinatamad ikaw na ang pumipilit
Kaya kapag dumami ang nakinig sa hilig
Ika'y makakatikim sa puno ko na hitik
Katumbas ng oras na iyong ginugol
Ang matatanggap mong abot
Dahil ika'y kaya akong basahin
Kaya ika'y nakalista sa'kin (sa'kin)
Kung sino ang nasa isip 'yun ang laging balikan
Oh tuwing nakakalimot ay muli mo lang tignan
Kung sinong dulot ay ngisi 'yun ay 'wag mong palitan
Alam mo 'yan, oh, alam mo naman
Ika'y magipon taong matino (ng yeah uh yeah)
Na papalibot (hmm yeah, sa iyo)