LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Anghel

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Bestidang puti ningning na palihim
Ngiti mong nansisinag ng dilim
Tumingin ka lang sa akin
Ilahad ang iyong damdamin
Ikaw lang at ako aking anghel

Ooh ooh ooh

Lagi kitang napapansing nag-iisa
Minamasdan pa ang mga bituin
Naghahanap ng paraan
Upang ikaw ay makilala't
Makasama kahit saglit lang

Tanging hiling ko lang ikaw ay matanaw
O kay sarap mong pagmasdan
Gusto kong marinig
Ang tinig mong nakaakit
Kahit na panandalian lang

Ako ay sa'yo
Ikaw ay para sa'kin
Pangakong 'di ka na pakakawalan
Ako ay sa'yo
Ikaw ay para sa'kin
Pangakong 'di ka na masasaktan

Hindi ko nais na ikaw ay mawala
Hinding-hindi ka na pakakawalan
Damdamin ko'y nahuhulog pa
Sa tuwing kinakausap ka
Ako'y sa'yo at sana'y akin ka

Ako ay sa'yo
Ikaw ay para sa'kin
Pangakong 'di ka na pakakawalan
Ako ay sa'yo
Ikaw ay para sa'kin
Pangakong 'di ka na masasaktan

Para kang anghel
Na umaawit sa langit
Sa tuwing ikaw ay napapakinggan
Tibok ng puso'y nasa'yo
Umaasang iibigin mo
Ikaw ay akin at ako'y sa'yo

Ako ay sa'yo
Ikaw ay para sa'kin
Pangakong 'di ka na pakakawalan
Ako ay sa'yo
Ikaw ay para sa'kin
Pangakong 'di ka na masasaktan

WRITERS

Eugene Sillona, Gabriel Ashlley Bibe, Jannoell Jules Billoso, Rick Gabriel Palmes

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other