Naging bangungot na'ng lahat
Na para bang tila ako'y hindi naging sapat
Kahit alam kong lahat ng ito'y kasalanan ko
Ngayon sana'y okey ka lang
At hindi kagaya kong tuliro
Minu-minuto kang aalahanin
At kahit ilang beses mong tabuyin
Mga panahong tayo'y laging masaya
At 'yong ngiting hindi maipinta
Ako'y nandito lang nagaabang
Minu-minuto kang aalahanin
At kahit ilang beses mong tabuyin
Sa isip nalang kita yayakapin
Mananatili ka sa'king damdamin
At patuloy parin kitang aantayin