LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Pagbigyan

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Pagbigyan ang dinaramdam

Sawa na sa paglulugmok
Mga pangarap nating 'di na natupad
Mga alaalang guhit mo
Aking tanaw ang pagbitaw ayoko nang magkunwari

Lumiwanag ang silid nang masilayang
Ngumiti ang bunga ng pagmamahalang
Nabuo nagunaw natuluyan

Tatalikuran na lang ba ang nakaraan
O hahayaang kumapit sa walang hangganan
Pagbibigyan pa ba mga pusong sugatan
Na kailanma'y 'di naisipan na ingatan

Pagbigyan ang dinaramdam

Sawa na 'kong magkunwaring
Natitiis mga tingin na binaling
Pero tayo ang may sanhi
Sa pag-ngiti ng nag-iisang munti

Lumiwanag ang silid nang masilayang
Ngumiti ang bunga ng pagmamahalang

Tatalikuran na lang ba ang nakaraan
O hahayaang kumapit sa walang hangganan
Pagbibigyan pa ba mga pusong sugatan
Na kailanma'y 'di naisipan na ingatan

Pagbigyan na't magpapaalam sa pinagsamahan
Pagbigyan na't magpapaalam sa pinagsamahan
Pagbigyan na't magpapaalam sa pinagsamahan
Pagbigyan na't magpapaalam sa pinagsamahan (pagbigyan)

Tatalikuran na ang nakaraan
'Di hahayaang kumapit sa walang hangganan
Pagbibigyan na ang mga pusong sugatan
Na sa wakas ay naisipan nang ingatan

Tatalikuran (pagbigyan ang dinaramdam)
Tatalikuran (pagbigyan ang dinaramdam)
Tatalikuran (pagbigyan ang dinaramdam)
Na sa wakas ay naisipan nang ingatan (pagbigyan ang dinaramdam)

WRITERS

FRANCIS LUIS D. BEATO, CARL ANGELO D. GUERZON

PUBLISHERS

Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other