Paruparo kay gandang pagmasdang paruparo
Kay ningning ng labi oh paano
Paruparo kay gandang pagmasdang paruparo
Ngiting mala-bituin oh kanino tamis na nagmula sa 'yo
Namumukadkad huli'y nadudugtungan simulang palaisipan
'Di mapapantayan 'di mapapalitan
Dalhin mo ako sa dilim sa tagong palasyong nasa salamin
Oh dalhin mo ako sa dilim
Habang dahan-dahang mundo'y angkinin
Paruparo kay gandang pagmasdang paruparo
Init ng mga kapit mo oh dinadala ako
Namumukadkad huli'y nadudugtungan simulang palaisipan
'Di mapapantayan 'di mapapalitan
Dalhin mo ako sa dilim sa tagong palasyong nasa salamin
Oh dalhin mo ako sa dilim
Habang dahan-dahang mundo'y angkinin
Oh tila paulit-ulit mo akong inaakit
Kaya't hayaang ika'y dalhin sa kalawakang 'di napapansin
Lapit init lambing sa 'yong kapit
Mga mata'y tila'y sa aki'y umakit
Ikaw ang una gitna at hulihan
Hanapin ang diwa magpakailanman
Ikaw ang aking munting dalangin
Lunurin sa 'yong kahiwagaan
Puso'y wala namang kalaban-laban
Ikaw ang binhing paninindigan
Kahit guni-guning 'di maintindihan