Naaalala ko pa no'ng tayo'y sabay na humakbang
Sabay tayong kinikilig dahil sa pelikula
Ngunit 'di dahil sa isa't isa
Pumipiglas ang ating puso
Patungo sa isang panibagong yugto
Itigil mo na ang pagpupumilit
Iwanan mo na'ng ligaya't sakit
At ako na lang ang siyang magsasabing wakas
Ako'y nagdadal'wang-isip kung para sa atin
Ang sumpang pag-ibig na ito whoa
Aminin na natin na 'di lang ako ang siyang nagkamali
Nagunaw tayo dahil sa isa't isa
Pumipiglas ang ating puso
Patungo sa isang panibagong yugto
Itigil mo na ang pagpupumilit
Iwanan mo na'ng ligaya't sakit
At ako na lang ang siyang magsasabing
'Di na hahayaang magpatuloy pa kung panghihinayang na lang
Ang panghahawakan at tatalikuran (ito na ang paalam ang ating sumpaan)
At tatanggapin na tayo'y hanggang dito na lang
Salamat sa ligayang hatid
At sa alaala ng ating pag-ibig