LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Paki Sabi

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Bakit ba ako nalilito
Kung saan-saan humihinto
Para lang makita mo akong
Naghihintay lang para sa 'yo

Ikaw lang ang laman ng aking puso
Lagi kang tumatakbo sa isip ko
'Di na makatulog sa gabi
Iginapos mo ako ng 'yong ngiti

Oh ilan kayang bituin
Ang bibilangin ko para sa 'yo
Oh ilan kayang mundo ang lilibutin ko
Makita lang na ako ay totoo

Pakisabi na lang sa kanya na wala nang mas hahalaga
Pakisabi na lang sa kanya na wala nang mas sasaya pa
Pakisabi na lang sa kanya na mahal ko siya

Bakit ka pa ba nalilito
Kung sino-sino ang pinupunto
Wala nang mas magmamahal sa 'yo
At ang puso kong ito'y para sa 'yo

Oh ilan kayang bituin
Ang bibilangin ko para sa 'yo
Ilan kayang mundo ang lilibutin ko
Makita lang na ako ay totoo

Pakisabi na lang sa kanya na wala nang mas hahalaga (pakisabi na lang)
Pakisabi na lang sa kanya na wala nang mas sasaya pa (pakisabi na lang)
Pakisabi na lang sa kanya na mahal ko siya (mahal)

Nandito lang naman ako (ah)
Nadarama mo ba itong pag-ibig ko

Pakisabi na lang sa kanya na wala nang mas hahalaga (pakisabi na lang)
Pakisabi na lang sa kanya na wala nang mas sasaya pa (pakisabi na lang)
Pakisabi na lang sa kanya na mahal ko siya da-ra (mahal)

Pakisabi na lang sa kanya na wala nang mas hahalaga (pakisabi na lang)
Pakisabi na lang sa kanya na wala nang mas sasaya pa (pakisabi na lang)
Pakisabi na lang sa kanya na mahal ko siya (mahal)

Na mahal ko siya

WRITERS

DANIEL JON BLANCO QUIMSON

PUBLISHERS

Lyrics © DITTO PLUS MUSIC

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other