LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Sayang Tayo (Dear SV)

+1 Others

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Pinangakuan mo ko ng walang hangganan
Sa hirap at ginhawa at magmamahalan
Kaya 'di ko inasahang sa isang iglap ay mauuwi lang sa pagkasawi
Kaya ngayon lubos akong nanghihinayang
Lahat ng mga plano natin ay nasayang
Kaya 'di ko inasahang lahat ng ito
Ay kinalimutan dahil sa isang pagkakamali

Pagkakamali
Pagkakamali
Pagkakamali

Ganto kasi 'yun, dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob
Na isagad ang pagmamahal ng buo pero hinayaan mo lang durog
Na kasabay ng ulan ang aking mga luha't dibdib kasabay ng kulog
Kumakalabog sa mga malungkot na tugtog, lubog na lubog

Pero ikaw, nagagawa mong ngumiti ngunit 'di na ako ang iyong dahilan
Lam ko naman na ako ang laman kung bakit tayo ay nagkailangan
Sana ay nasisilayan ang dating saya
At kung 'di ko sinayang malamang ang palasingsingan mo
Ay akin nang inalayan

Alam mo ba, kahit na sobrang sakit ay handa pa rin na magtiis
Tinatanggap ko lahat ng kirot at sama ng loob imbis mainis
Dahil kaya kong talikuran ang nakaraan, huwag ka lang umalis
Tuloy mga plano dahil pinangako sa'yo so it is what is

Madami akong natutunan, ugaling kailangang tabunan
Nang sa ganun maiwasan ang mga tampuhan
Imbis na tulungang magbago, bakit naglaho
Ang mga pangako, tila hindi na ako ang aako

Pinangakuan mo ko ng walang hangganan
Sa hirap at ginhawa at magmamahalan
Kaya 'di ko inasahang sa isang iglap ay mauuwi lang sa pagkasawi
Kaya ngayon lubos akong nanghihinayang
Lahat ng mga plano natin ay nasayang
Kaya 'di ko inasahang lahat ng ito
Ay kinalimutan dahil sa isang pagkakamali

Pagkakamali
Pagkakamali
Pagkakamali

Sana maayos muli, mabalik dating ngiti
Huwag ka na nga humindi, baka kasi ako ay lumungkot muli
Ang sabi mo magiging ok pag tayo'y naghiwalay
Pero unti-unti mo na ko ngayong pinapatay

Alam ko na merong parteng kumakapit pa rin
Kahit anong away, kahit ako damay
Pareho lang tayong nagkakamali, sa'yo ko natuto na magtiwala
Sa'yo rin pala masisira ulit, maayos man 'to, 'di na gaya ng dati

Intindi ko, bakit mo 'yun nasasabi
Sobrang sakit na, gusto ko nang bumalik ka
Gabi-gabi na ko nag-iisip at ang aking dibdib naninikip na (huh)
Alanganin kausapin, pero sana patawarin
Tuloy natin 'yung hangarin, huwag na natin na isipin pagkakamali ko

Kasi tulad mo, ako ay tao lang din
Pero hindi rin kita masisi kung ba't ganto
Ano man ang nasa isip mo na tumatakbo, hindi ko na 'yun kontrolado
Oo sayang tayo, sa daming naganap sa'tin
Ayaw maglaho, ayaw pagkawalan

Pinangakuan mo ko ng walang hangganan
Sa hirap at ginhawa at magmamahalan
Kaya 'di ko inasahang sa isang iglap ay mauuwi lang sa pagkasawi
Kaya ngayon lubos akong nanghihinayang
Lahat ng mga plano natin ay nasayang
Kaya 'di ko inasahang lahat ng ito
Ay kinalimutan dahil sa isang pagkakamali

Pagkakamali
Pagkakamali
Pagkakamali

WRITERS

Alexis Manuel, Jake Harrold Piedad, John Stephen Enriquez, Kyle Arah Sarikula, Samuel III Verzosa

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other