Ano na nga bang kalagayan nating dalawa
Andito ka sa tabi ngunit di ka madama
Dating maalab mong mga tingin
Alam kong 'di mo masabing ayaw mo na
Ako nalang ang magpapasya para sa'ting dalawa
Ang lahat dahil di na sapat
Nakakapanghinayang tayong dalawa
Hindi mo parin ako kinikibo
Nakikiusap sayong kahit man lamang sagutin
Kung handa bang talikuran
At bitawan na lamang ang lahat
Hindi masabing ayaw mo na
Kaya ako nalang ang magpapasya
Bitawan na natin ang lahat
Nakakapanghinayang dahil bakit mo sinayang
Pagkakataon na dapat di mo hinayaang
Ang lahat dahil di na sapat
Nakakapanghinayang tayong dalawa