At nagbukas ng bagong kabanata
Sa higpit ng hawak ng ating mga kamay
Ikaw ang nagsilbing gabay
Dinala mo ako sa iyong paraisong
Kay liwanag liwanag liwanag
At ang sinag mo ang yumakap sa'king puso
At ako'y hinilom ng init ng 'yong pagmamahal
Ikaw ang aking liwanag liwanag
Pag hawi ng dilim pikit matang binabagtas
Sa silaw ng liwanag may pintuang bubukas
Madungis kong paang lumulubog na sa pintas
Walang ibang daanan paakyat kundi sa itaas
Silid aklatan kong tahimik na nag iingay
Mga palad kong saksi sa kapit ng aking kamay
Ang paliwanag mo ang nagsilbi saking gabay
Malinaw na natatanaw ang matamis kong tagumpay
Darating ang araw sating malamig na gabi
Di mangangamba sa hamon ng pagsubok kasi
Dinala mo ako sa iyong paraisong
Kay liwanag liwanag liwanag
At ang sinag mo ang yumakap sa'king puso
At ako'y hinilom ng init ng 'yong pagmamahal
Ikaw ang aking liwanag liwanag
Ang dahilan sa bagong araw na nag aantay
Dinala mo ako sa iyong paraisong
Kay liwanag liwanag liwanag
At ang sinag mo ang yumakap sa'king puso
At ako'y hinilom ng init ng 'yong pagmamahal
Ikaw ang aking liwanag liwanag