Siguro hanggang dito nalang tayong dalawa
Alam kong sa piling ko'y hindi na masaya
Bigla kang nagbago at ikaw ay bumitaw
Hindi pa ba sapat na ang mahal lang ay ikaw
Alam kong hindi na maaayos
Bakit natin hinayaang mawala tayong dalawa
Alam kong hindi parin kayang mag-isa
Ngunit ito narin ay para sa ating dalawa
Siguro kung hawak pa ang 'yong mga kamay
Pipilitin na maayos at ikaw ay matangay
Siguro nga ako'y may pagkukulang sa'yo
Hindi mo kasalanan kung ba't naging malabo
Bakit natin hinayaang mawala tayong dalawa
Alam kong hindi parin kayang mag-isa
Ngunit ito narin ay para sa ating dalawa
Ang nakalaan ay naging nakaraan
Pilitin mang umahon 'di magawang humakbang
Dahil bawat araw ay pinagsisisihang 'di ko nagawang
Alam kong hindi parin kayang mag-isa
Ngunit ito narin ay para sa ating dalawa
Salamat sa lahat ng ala-ala
WRITERS
Bezalel Kairo Villota, Ginno Pietro Mondejar, Joseph Emmanuel Deaño, Mark Vincent Villa, Stephen Daryle Tumaliuan