LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Masaya Kana Sa Iba

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Kahit na hindi na tayong dalawa
Kahit nasa piling ka na ng iba
Kahit ang sakit sa 'king mata
Makita kita sobrang masaya sa piling niya
Kahit masakit nung pinili mo siya
Nung pinapili kita sa aming dalawa

Mahal pa rin kita
Kahit kaibigan na lang
Kahit ituring mo na lang
Kahit di mo pansinin ang aking pagtingin

Kaya malabo ang tayo ay muling mabuo
Dahil ang dating tayo ay masasabi na lamang itong nakaraan

Alam kong masaya ka na ngayon sa piling niya
Wala na 'kong magagawa kahit pilitin pa
Na ang ibigin ka at ang isipin ka
Nalimot mo na nga ako dahil sa pag-ibig niya oh
Binabalikan ating nakaraan
Panahong ayos tayo bago mo ako saktan
Pero bakit mahal pa rin kita
Kahit masaya ka na sa iba

Kahit sinaktan mo
Ang damdamin ko
Anong nangyari
Di ko mawari
Di ko alam magkakaganito
Nung una naman ay okay naman
Nangako ka pa sa 'kin di mo ako sasaktan
Kaya di ko akalain
Magloloko sa 'kin
Masaya ka bang nakikita mo 'kong luhaan

Kaya tatanggapin ko na lang kahit mahirap pipilitin na lang
Kahit di kaya magpapaubaya para sa 'yo maging masaya ka lang
Ngayon tapos na ang pagsasama hiling ko sana huwag ka niyang sasaktan
Ngayon wala na at paalam na
Malilimutan din kita

Alam kong masaya ka na ngayon sa piling niya
Wala na 'kong magagawa kahit pilitin pa
Na ang ibigin ka at ang isipin ka
Nalimot mo na nga ako dahil sa pag-ibig niya oh
Binabalikan ating nakaraan
Panahong ayos tayo bago mo ako saktan
Pero bakit mahal pa rin kita
Kahit masaya ka na sa iba

Minamasdan ko ang ating mga litrato
Habang nakatanim sa isip kong hindi na nga 'ko
Ang siyang humahawak sa palad mo na kaylambot
Ikaw lamang ang siyang talang pinangarap kong maabot
Ngunit isang kurap ko lang sayang dama'y napagtakpan
Dahil para sa tulad niya ako'y nakuha mong saktan
Nakuha mong gawing tanga niloko't pinaglaruan pero mahal pa rin kita kaya ako ang talunan

Kaya ang isang hiling ko lang ay tingnan mo ako sa aking mata
Sana'y maalaala mo pa kung gaano ka sa 'kin kahalaga
Kahit niloko ginago mo na ako ako ay nagpapanggap na masaya
Para mapadama sa inyong dalawa na tanggap ko na nga ang nakatalaga ay kayo talaga

Pinapanalangin ang mga pasakit sana talaga'y di mo danasin
Sa piling ng bago mo ngayon sana alam mo na ngayon tapos ko nang isuko ang hiling na ika'y mapasaakin muli
Kung ito man ang huli hahawakan ko uli ang iyong mga kamay
Habang sinasabi ko na kung sa kanya mo nahanap ang ligaya ay huwag na kayong maghiwalay

Alam kong masaya ka na ngayon sa piling niya
Wala na 'kong magagawa kahit pilitin pa
Na ang ibigin ka at ang isipin ka
Nalimot mo na nga ako dahil sa pag-ibig niya oh
Binabalikan ating nakaraan
Panahong ayos tayo bago mo ako saktan
Pero bakit mahal pa rin kita
Kahit masaya ka na sa iba

Alam kong masaya ka na ngayon sa piling niya
Wala na 'kong magagawa kahit pilitin pa
Na ang ibigin ka at ang isipin ka
Nalimot mo na nga ako dahil sa pag-ibig niya oh
Binabalikan ating nakaraan
Panahong ayos tayo bago mo ako saktan
Pero bakit mahal pa rin kita
Kahit masaya ka na sa iba

Alam kong masaya ka na ngayon sa piling niya
Wala na 'kong magagawa kahit pilitin pa
Na ang ibigin ka at ang isipin ka
Nalimot mo na nga ako dahil sa pag-ibig niya oh
Binabalikan ating nakaraan
Panahong ayos tayo bago mo ako saktan
Pero bakit mahal pa rin kita
Kahit masaya ka na sa iba

WRITERS

Jeson Garlan Canelas

PUBLISHERS

Lyrics © Evolution Media Ltd.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other