LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Mahimbing

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Sana mahimbing ang tulog mo ngayon
At nang mabawasan ang pait ng kahapon
Kahit man lang sana sa'yong paghiga
Ay payapa

Bitawan mo muna ang iyong mga dala
At nang mabawasan ang bigat na nadarama
'Wag ka munang mag-isip
Hayaan ang pusong maidlip

Kaya isuko mo muna
Ang lahat ng iyong pasan
Hayaang maghilom
Ang mga sugat mula sa nakaraan

Itulog mo muna nang mahimbing
Darating din ang umagang
Aayon sa 'yong mga dalangin
Itulog mo muna nang mahimbing
Oo kaya mo pa
Ngunit kailangan mo ring magpahinga
Nang mahimbing

'Wag mong pigilan ang iyong mga luha
Matatapos din ang iyong mga pangangamba
Taliwas man ang ikot ng mundo
Kakayanin mo

At kung nalulunod ka na
'Wag kang mabahalang humingi ng tulong sa iba
Maraming nagmamahal sa'yo oh oh

Itulog mo muna nang mahimbing
Darating din ang umagang
Aayon sa 'yong mga dalangin
Itulog mo muna nang mahimbing
Oo ikaw ay matatag
Ngunit kailangan mo ring magpahinga
Nang mahimbing

Nang mahimbing
Nang mahimbing
Nang mahimbing
Nang mahimbing

WRITERS

Bezalel Kairo Villota, Ginno Pietro Mondejar, John Carlo Autentico, Mark Vincent Villa, Stephen Daryle Tumaliuan

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other