Kung maibabalik ko lang ang orasan
Mananatili na lang sa nakaraan
Noon pang may natitirang puwang
Patuloy pa ring hinihiling
Na panaginip lang ang pagbitaw mo
Asan na ba ang mga pangako
Na tayong dal'wa hanggang sa dulo
Hindi pala ako ang iyong tadhana
Kung sana lang alam ko ako'y naging handa
At sinulit ang mga gabing kayakap ka
At mga halik mong 'di na maibabalik
Mga gabing lalo pang lumalamig
Sayang talaga ang mga pangako
Na tayong dal'wa hanggang sa dulo oh oh oh
Hindi pala ako ang iyong tadhana
Kung sana lang alam ko ako'y naging handa
At sinulit ang mga gabing kayakap ka
At mga halik mong 'di na maibabalik
Mga gabing lalo pang lumalamig
Ngunit kailangan ko lamang palayain
Hindi pala ako ang iyong tadhana
Kung sana lang alam ko ako'y naging handa't
Sinulit ang mga gabing kayakap ka
At mga halik mong 'di na maibabalik
At mga gabing lalo pang lumalamig
Mga salitang hinding-hindi ko na maririnig