Asahan may kasama ka sinta
Nang maitadhanang ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapalingkuran hirang
Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Kapag ang araw at bituin ay di na matanaw oh
Kapag tumigil ang daigdig at di 'na gumalaw
Subalit isang araw pa matapos ang mundo'y nagunaw na
Hanggang doon magwawakas oh
Pag-ibig kong sadyang wagas
Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon