LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Sa Puso Ko Live Version

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Dapat nga bang sundin itong bulong ng damdamin
O, talinong nakamit, ito'y pinipilit
Sumuot sa alanganin
Ang isa'y sinasabi
Sundin lang siyang palagi, takot ilagay sa isang tabi
Tuktok ay sumasakit
Dahil iginigiit na huwag kang mabulag sa pag-ibig

(Sa isip ko)
Ay walang nakakasilip
(Sa puso ko)
Ay mayrong nagsasabi

Ay payo ng ulo ay praktikal sa suliranin
Huwag kang padadala sa tibok na iyong dala
Buksan na ang iyong mga mata
Ngunit hindi patatalo
Ang puso'y may pambato, labis na pag-ibig
Maski anong panganib
Hinding-hindi sasanib sa utak na duwag at bingi

(Sa isip ko)
Ay walang nakakasilip
(Sa puso ko)
Ay mayrong nagsasabi

O, Diyos kong Maykapal
Ako nga ba ay hangal, masama ba ang magmahal
Dahil hindi na uurong
Ang pusong umuugong ng pagsambang walang kapalit

(Sa puso ko)
Isa lang ang sinasabi
(Sa puso ko)
Ikaw ang nagmamay-ari

(Sa puso ko)
Isa lang ang sinasabi
(Sa puso ko)
Ikaw lang ang nagmamay-ari

(Sa puso ko)
Isa lang ang sinasabi
(Sa puso ko)
Ikaw lang sa puso ko

WRITERS

Thomas Robinson

PUBLISHERS

Lyrics © BMG Rights Management

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

LyricIQ Analysis

Top Emotion

Enjoyment

Sentiment
Thumbsup Icon
Theme

None