Ilang oras na akong andito
Umuwi na nga ang tropa ko
Sino ba kasing mag-aakala
Papalapit na pala ang hakbang
Pagmasdan ang 'yong larawan
Ikaw lang ang gustong tignan
Ikaw lang ang gusto pagmasdan
Tinatawag ako ng 'yong anino
Naririnig ko rin ang boses mo
Hindi na nga nila ako maunawaan
Nababaliw na raw sa simpleng larawan
Manatili na lang sa museong ito
Biglang ayoko nalang lumisan
Pagmasdan ang 'yong larawan
Ikaw lang ang gustong tignan
Ikaw lang ang gusto pagmasdan
Kahit na ilang araw, taon, at buwan
Hindi man maintindihan ng iba
Tila akoy nakaramdam ng mahika
Pagmasdan ang 'yong larawan
Ikaw lang ang gustong tignan
Ikaw lang ang gusto pagmasdan"