Ang mahulog sa'yo ay ‘di ko yon kasalanan
Naramdaman ko na lang ‘to sayo ng biglaan
Dahil sayong katangian na wala sa iba
Sa kanila ay iba ka at walang kapantay
Dahil sayong katangian na wala sa iba
Balang araw makukuha rin kita
Kung ‘di man sa ngayon pero ‘lam kong malapit na
At bumuo ng ala-alang puro kay saya
Pagkat nasayo na ang hinahanap ko na ‘di makita sa iba
Na nagbuo kaya nahulog sa'yo
Kaya natuto ako na magbago
Sa'yo lang tumino ang dating gago
At wala nang ibang hahadlang
Sa'yo lang kuminang ang mundo kong ito
Ang mahulog sayo ay ‘di ko yon kasalanan
Naramdaman ko na lang ‘to sayo ng biglaan
Dahil sayong katangian na wala sa iba
Sa kanila ay iba ka at walang kapantay
Dahil sayong katangian na wala sa iba
Sana maibigan ‘di lang kaibigan
Ang turing sa'kin ikaw lang ang kahilingan
Mga katangian mo ang nahiligan
Kaya hindi mo masisisi na mahulog sa iyo oh
Pano ‘to mundo ko ay paikot ikot
Ang binibini kahit ‘di ipilit pipilipit
Ang mga leeg sa iyong kagandahan na dala
Buti nahulog sa'yo dahil natuto ako
Na makuntento na walang halong sikreto
Paulit-ulit man akong tanungin
Kung sino ang gusto ko na mahalin
Pangalan mo lamang ang sasambitin
Pangakong hindi ka paiiyakin
Ang mahulog sayo ay ‘di ko yon kasalanan
Naramdaman ko na lang ‘to sayo ng biglaan
Dahil sayong katangian na wala sa iba
Sa kanila ay iba ka at walang kapantay
Dahil sayong katangian na wala sa iba
Ang lahat sakin naging maliwanag
Kaya pala lagi na may gana
Dahil pala sa isang diwata
Mo'ng taglay kaya di na mapalagay
Palagi na lang nag-iisip ng paraan kung
Pa'no mahawakan ang iyong kamay
Panahong 'di na kelangan mamili
Ang mga bagay kung san tayo nahilig
Tipong sa isa't-isa lang nawili
Tayong dalawa lang magkakampi
Oh diba ang saya ‘pag ganon
Pero ang natatanging tanong
Kung papayag kaba maaari ba na
Ako'y bigyang pagka kataon
Kung 'di man masagot sa ng-yon
Maghihintay kahit pa ilang taon
Kung kelan handa ka nang bunotin
Ang palaso ni kupido na bumaon
Ang mahulog sayo ay ‘di ko yon kasalanan
Naramdaman ko na lang ‘to sayo ng biglaan
Dahil sayong katangian na wala sa iba
Sa kanila ay iba ka at walang kapantay
Dahil sayong katangian na wala sa iba
Pwede bang makuha ko ang isang katulad mo
Daming naaakit nadadagit sa taglay na
Pambihira na dala ng kagandahan mo
Dati ay pahirapan ka pa na masulyapan
Ang taray sa una kahit na ganun buti sakin naging palaban
Hindi sinukuan hanggang sa makamit ko
Ang lahat ng aking mga inaasam
Hindi ‘to lumisan kahit na medyo dehado sayo
Buti na lang ‘di ‘to nawalan
Ng pag-asa na mapapa sa'kin ka
Ikaw lang ang hahanapin sa tuwing malungkot
Ikaw lang ang nagpapasaya
Sarap sa feeling lalo kung iisipin
Sa tinagal-tagal kong tsinaga ngayon ika'y kapiling ko
At aaminin ko ang na sa isip ko
Na nahuhulog parin ako sa iyo
Ang mahulog sayo ay ‘di ko yon kasalanan
Naramdaman ko na lang ‘to sayo ng biglaan
Dahil sayong katangian na wala sa iba
Sa kanila ay iba ka at walang kapantay
Dahil sayong katangian na wala sa iba