Nasa'n nasa'n nasa'n na ba tinatangi ko
Si Bugoy may tatlong wife
Habang ako'y kuntento sa ‘king life
Nag-iisang prinsesa sobrang miss ko
Woah mga balakid lagpasan tuloy ang plano
Manatili ka sa ‘king tabi ang aking pagsamo
Parang nasa bituin kapag ikaw ang kapiling
Sobrang sarap lang sa feeling
Simple lang aking hinihiling (woo)
Seryoso na wala nang biro
Kung handa ka na handa na ‘ko
Pagbilang kong tatlo aalis na tayo
‘Di naman nagmamadali ngayong gabi
‘Di naman nagmamadali ngayong gabi
Hangad lang naman ay ibigin ka
Mo ang tunay na pag-ibig napakasapat sapat
Laging uunahin walang mas aangat
Hindi ko na ididikta ang oras nating dalawa
Basta lahat ipipinta hanggang sa makapiling ka
Handa maging busy lang sa ‘yo at ituturing kang mundo
Dahil ikaw ang Maria ko kahit ‘di ako si Crisostomo
Kaya kahit isang kiss lang (galing sa ‘yo please lang)
‘Di na ‘ko lilisan (‘di ka na iiwan)
Ikaw pa rin ang aking uuwian
Hawakan mo kamay ko yeah (hawakan mo kamay ko)
Seryoso na wala nang biro
Kung handa ka na handa na ‘ko
Pagbilang kong tatlo aalis na tayo
Tara na sumama (tara na sumama)
Dito ka na muna (dito ka na muna)
Kalimutan ang problema (kalimutan mo na 'yan)
‘Di naman nagmamadali ngayong gabi (woah)
Kaya sumama (tara na sumama)
Pupunasan ang ‘yong luha (punasan ang ‘yong luha)
Kalimutan ang problema (kalimutan mo na 'yan)
‘Di naman nagmamadali ngayong gabi (woah)
Kaya sumama ka (tara na sumama)
Tumingin lang sa ‘king mata (dito ka lang)
‘Di naman nagmamadali ngayong gabi
Magtiwala ka (magtiwala ka)
‘Di naman nagmamadali ngayong gabi