Basahin mo na lang aking mga mata
Naduduwag tuwing nakikita ka
Di alam ano ang nararamdaman
Natatakot akong mawala ka
Bugso ng damdamin di mapigilan
Sigaw ng puso ikaw na lang sana
Litong-lito tuwing mahahawakan ka
At nasilayan ang ngiting pangmatagalan
Kagandahang parang gayuma
Ikaw ang buwan at ang bituin
Isang tingin lang napawi ang pagod
Sa sandaling to, ako'y sayo