Ng ‘yong mga ngiti sa buhay ko
Natutuwa ang puso ko sa t'wing
Naririnig na mahal mo rin ako
Ang sayang mabuhay sa mundo
Hawakan mo ang aking kamay
At papatunayan natin na may walang hanggan
Pasensya na kung ‘di ko magawa ang pinangako
Na sasamahan ka na maglakbay sa dulo
Mahal tumahan na't isipin na ito ay plano
Ng Diyos sa akin magtiwala na lang tayo
Ang saya ‘pag naaalala ko
Para bang tayo lang ang tao sa mundo
Sabay ako sa ‘yong paglalakbay
Kahit ‘di mahawakan ang kamay
At papatunayan ko na may walang hanggan
Pasensya na kung ‘di ko magawa ang pinangako
Na sasamahan ka na maglakbay sa dulo
Mahal tumahan na't isipin na ito ay plano
Ng Diyos sa akin magtiwala na lang tayo
Ilang taon na ang lumipas
Kailangang tanggapin na wala na ako
Ako ay sasaya ‘pag may mag-aalaga sa ‘yo
Sa kanyang tabi ikaw na ang nandiyan at nangangako
Na sasamahan siya na maglakbay sa dulo
Oh kay sayang makita kang naglalakad patungo
Ng altar kasama siya't sabay na mangangako