Musmos pa lang ikaw na ang gusto
Tuwing naglalaro sa'yo nakatingin
Hindi 'ko napansin na ikaw na ang taya
O s'ya hulihin mo na 'ko't wag pakawalan
Sinusundo ka pa't sabay tayong naglalakad
Patungo saan (pwede bang sa walang hanggan)
Akong bahala sa'yo aking mahal
Sana ay ramdam mo ang aking pagmamahal
Na 'di masukat handang gawin ang lahat
Ikaw ang noon ngayon at sa habang buhay
Ako'y sa'yo o tatandang mag-isa
Kahit otsenta na manliligaw ako
Nandun ako at 'yun ay aking gusto
Baka sakaling marinig mo man lang
Na ikaw ang tanging musikang papakinggan
Wag kang bibitaw hmm ('wag please)
Ikaw ang noon ngayon at sa habang buhay
Ako'y sa'yo o tatandang mag-isa
Kahit otsenta na manliligaw ako
Alam 'kong mahal mo rin ako
Ba't 'di mo kayang aminin 'to
'Yoko ng kaibigan lang ako
'Di 'ko kayang mabuhay sa mundo
Sa gaan at bigat ng panahon
Sa'yo rin magwawakas ang kwento 'kong ito