Ngumiti ka na lang sa harap nila
Ipakita mong ika'y masaya
Malungkot at naiiyak ka ba
Sa sulok ng kwarto mong madilim
Kasi wala namang nakikinig
Kasi akala nila ika'y nasa pelikula
Ngumiti ka na lang sa harap nila
Ipakita mong ika'y masaya
Sasabihan ka lang namang maarte ka
Iiiyak mo na lang mag-isa
Ng 'yong dinadala na problema
Magpasalamat ka na lang daw
Dahil maliit lang daw ang rason ng 'yong lungkot
At rason ng 'yong paglulugmok at hinanakit
'Wag ka nang makulit na humingi ng malasakit
Ngumiti ka na lang sa harap nila
Ipakita mong ika'y masaya
Sasabihan ka lang namang maarte ka
Iiiyak mo na lang mag-isa
'Yan 'yan dapat maawa kami sa 'yo
Oo dapat mapaniwala mo kaming totoo
Alam mo 'kala namin talaga 'di ka okay eh
Ngumiti ka na lang sa harap nila
Mahirap na sa mundong mapanghusga