Sa 'yong mukha ay alam ko agad
Sa bawat ngiti ng ‘yong mata ay nahulog ako
Sa mundong umiikot sa ‘yo
Na para bang walang ibang tao
Sana'y samahan mo akong kulayan
Ang kulay abo kong mundo kung saan
Ikaw lamang ang kulang, hindi magkukulang
Sa dulo ng pahina ng aking libro
Kasama kang maglalakbay sa bawat yugto
Walang hanggang pagmamahal ibibigay ko
Hanggang sa pagtanda aalalay sa 'yo
Magtiwala ka lang mahal ko
Kung totoo bang lahat ng ito
‘Di lang mapaniwalang pinili ako
Na makasama mong sabay kulayan
Ang kulay abo kong mundo kung saan
Tayo lamang ang kulang hindi magkukulang
Sa dulo ng pahina ng aking libro
Kasama kang maglalakbay sa bawat yugto
Walang hanggang pagmamahal ibibigay ko
Hanggang sa pagtanda aalalay sa 'yo
Magtiwala ka lang mahal ko
Kay tagal hinintay ang araw na ‘to
Na makita kang naglalakad at patungo
Ng altar dala ang ating pangako
Sa dulo ng pahina ng ating libro
Kasama kang maglalakbay sa bawat yugto
Walang hanggang pagmamahal ibibigay ko
Hanggang sa pagtanda aalalay sa 'yo
Marinig ko lang sagot mong oo